Hello Gen!
Naputol yung pag-uusap natin last time eh. Nag-open na ulit ako ng Facebook, pero sandali lang. Nireplyan ko lang kayo. Hehe.
Nag-yes na ako kay Ma'am Jane about the DZUP offer. Hindi pa super sure yun pero malaki daw ang chances na matanggap ako. Sa totoo lang, di ko pa alam kung anong gusto kong gawin. Unlike you, wala akong goal na maging news and public affairs person. Wala rin akong goal like Kem's goal na maging expert on post-prod or audio things. Di ko pa alam. Ang plano ko pa lang, magkatrabaho, and in the process, find out what I really want to do.
Good news! Baka dumaan yung mga katropa dito sa bahay on the 29th! I brought up the invitation to Ma'am Jane nung nakatext ko siya. I told her na on the way naman back to Manila ang LB from Batangas, so if ever, mag-side trip na lang yung mga katropa sa bahay for the dinner party.:) Sabi ni Ma'am Jane, good idea daw yun and baka pwedeng isama sa itinerary. Sana nga makapunta sila. Gusto ko rin sanang i-invite si Kem na magsleepover pero mas mahirap kasi i-convince yun eh. Haha. Try ko this weekend sa Laiya. Tulungan mo na din akong i-convince siya para mas fun diba?:)
Alam mo ba, may family friend akong nag-propose sa girlfriend niya recently, and magpapakasal na sila sa January 2012.:) Parang 7 years ago, lumipad papuntang US yung friend namin, leaving his girlfriend behind dito sa Pilipinas. Tapos about two weeks ago, bigla siyang umuwi sa Pilipinas and ta-da! Nag-propose na siya!:) Ang cute 'no? Inintay talaga siya nung girlfriend niya. 7 long years. Wow. Sa Dapitan daw yung magiging venue ng kasal nila.
Nangyayari pa pala talaga yung mga happy endings tulad nun, 'no? Nakakainspire. At nakakamotivate na maghintay. Haha.;)
Kelangan ko na mag-shoe shopping. Waley na yung mga sapatos ko. Puro sira at laspag na. HOHO. Sabi ni mama magshashopping kami soon. Sana matuloy!:))
On another note, I think my family's invited to two weddings in the next few weeks. One on the 28th (yata) and on June 4 naman yung isa. Yung isa, very young couple na out of the blue, bigla na lang nagdecide na magpapakasal na sila. Nakakagulat talaga. Yung isa naman, golden wedding anniversary so magpapakasal sila ulit. Haha. Extremes.
In the next few days, iikot ang araw ko sa Wii-hiphop abs-3day diet-physical checkups.:)) 4 years ago pa yata yung last eye check-up ko eh. Haha. Titignan ko rin kung mapapalitan na yung glasses ko.
Okay, bye for now. Wala pa naman akong big updates eh. Haha. Mwah.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento